Friday, August 2, 2013

BAKIT ANG HIRAP MONG MAHALIN?

TEASER:
Did You experienced falling in love with someone who is very difficult to please?..It's Like You are loving Someone with a heart made of stone?...This is the story of two people with two different characters..,The Story of Devon and Enrique....Abangan!...

CHAPTER 1

Devon: Yayaaaaaaaaaaaaaaaaa! Come here!..Quick!

Pagkarinig ng yaya ni Devon na parang umaatungal na baka ang kanyang alaga ay alam na niyang wala ito sa mood kaya agad siyang pumunta sa kwarto nito sa ikatlong palapag ng bahay ng pamilya Estevez na pinaglilingkuran niya..."haayyy,tumunog na naman ang sirena ng bumbero"

Yaya: Iha,..Bakit para ka namang baka na malapit ng kinakatay kung makasigaw...pwede mo naman gamitin ang intercom,nandun lang naman ako sa may kusina...(komportable na si aling pacing na biruin ang kanyang alaga kahit ganito ang mood nito dahil alam na niya kung paano ito paamuin)

Devon: at sinong may kasalanan kung bakit ako sumisigaw Yaya?!ang tagal kaya ng milk ng iniutos ko sa'yo,siguro nakikipagharutan ka na naman sa driver noh?..

Yaya: Aaayy!..harutan agad?!..hindi Ba Pwedeng kwentuhan lang muna?...O Sige Ako na ang may kasalanan kung bakit ka sumisigaw...Here's your milk na...

Devon: ( napangiti na sa sinabi ng yaya,sobrang kengkay kasi)...Yan ang Yaya ko Super Okay kaya love kita eh... 

Yaya: Naks naman at nambola ka pa talaga ha...Sige na drink your milk na at para matulog ka na

Devon: Thank You Po talaga Yaya ha at the best kayo sa akin,Kahit palaging may topak ako ay di pa rin kayo sumusuko sa akin,Huwag kayong mawawala ha?..Di ko po iyon kaya...

Napanigiti si Yaya PaCing sa sinabi ng alaga...may konting awa siya rito dahil simula't sapul ay siya na ang parang magulang nito dahil palaging subsob sa negosyo ang mga magulang nito kaya halos siya na ang nagpapalaki nito kaya naiintindihan niya ito kung bakit minsan attention seeker ito..

Yaya: Asus!..eto talagang alaga ko,pagkatapos mambola,shift to drama mood ka naman agad?..Sige Walk out na ako para sleep ka na dahil may school ka pa bukas...(ginawaran niya ito ng masuyong halik sa noo at tuluyan ng lumabas ng kwarto)

Kinabukasan Maaga pa Lang ay agad ng ginising ni Pacing ang alaga dahil alam niyang Pahirapan pa kung ito'y gisingin niya...matagal na Pakiusapan pa ang magaganap bago ito tuluyang bumangon at maligo,..Kahit na first year college na ito ay immature pa rin ito kung kumilos,Salat man ito sa pagmamahal ng isang magulang ay sobra-sobra naman niya itong inaalagaan at tinuring na parang kanya...

Devon: Yaya Alis na Po Ako Ha,Huwag ka po kayo masyadong makikipagharutan sa driver sa kabilang bahay dahil alam niyo naman selosa po ako,gusto ko ako lang love niyo...

Yaya: Ikaw talaga bata ka,Ke aga-aga oh,asarin ba ako agad?...Alam mo naman di kita kayang iwan eh...Malakas ka kaya sa akin..Sige na nak go na...(nakanigiti niyang sabi,nakasanayan na niya itong tawaging anak,Nagbeso ito sa kanya at tuluyan ng sumakay sa sasakyan nito)


Sa Bermudez residence.....

Tunog ng alarm clock ang gumising sa inaantok pang diwa ni Enrique...Gusto pa sana niyang matulog uli pero kelangan na niyang bumangon at maghanda para pumasok sa unibersidad kung saan nasa fourth year na siya ng kursong Mechanical engineering...

Enrique: Mom,Dad,Pia I'll Go ahead Na,I Am Getting Late na kasi...(nagmamadaling paalam nito sa pamilya,Pagkatapos magbeso sa mga ito ay agad itong tumalikod)

Mrs. Bermudez: Son,Kumain ka man lang muna kahit saglit lang...

Pia: Yeah Kuya,Lage ka na lang in a rush pag school days,kung bakit nag-aalarm na iyong clock mo,eh natutulog ka naman ulit,sana hindi ka nalang gumamit ng alarm clock kung ganun din lang! ( mataray na saad ng 13 year old niyang kapatid...Nasanay na sila sa pagiging mataray nito kaya smile lang ang ginawa ng binata)

Enrique: Guys I Really Need To Go,I Will Make It Up To You On weekend,So Baby sis huwag masyado simangot dyan at 13 ka lang,baka mag wrinkles ka agad...Ehehehe( saad nito at binirahan ng alis..Narinig pa nito ang impit na tili ng kapatid bago sumakay ng kotse at paandarin)


Holy Christian University....

Devon: Wow!...Ang Laki naman ng university na ito...Baka mawala ako dito,kakahiya naman( sa loob- loob nito habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng eskwelahan,Mula elementary hanggang high school ay home study program lang kasi siya kaya para siyang namamalikmata sa laki ng unibersidad na kanyang papasukan for four years....napakaraming estudyante na halatang may kaya sa buhay kagaya niya ang naglalakad sa hallway...Hinahanap niya ang building ng architecture  dahil iyon ang kursong kinuha niya ng may mahagip ang kanyang paningin...sa engineering department ay nandun na sila enrique at ang mga kaibigan nito...

Devon: Oh MY G!...Ang handsome naman ng guy na iyon at iyong mga kasama puro papalicious lahat( sa isip-isip niya at umandar na naman ang pagiging attention seeker niya)..." OH MY!..I think i am In Love,I think i'm In Love With You"...habang naglalakad ay kinakanta niya ang awiting iyon dahil alam niyang dadaan siya sa engineering dept kung saan nandun ang lalakeng biglang nagpatibok ng kanyang puso...

Napahinto naman sa pagtatawanan sila Enrique ng may marinig silang kumakanta...Nagkatinginan sila...

Bret: Dude,what a beautiful voice i have ever heard,parang original lang...

James: absolutely!...I think im in love too

Patrick: Yeah,Me Too Who is she?

Napalingon sila ng lalong lumalapit ssa kanila ang kumakanta...Halos lahat ng Girls Sa University ay kakilala nila dahil ang grupo nila enrique ang pinakasikat sa eskwelahang iyon dahil mga varsity player sila pero habang papalapit ang babaeng kumakanta ay hindi nila ito kilala..

Enrique: I Think she is a neophyte mga dude dahil new face siya dito sa university natin...(sabi ni enrique habang minamasdan ang babaeng patuloy na kumakanta..."Shit!.she is so damn beautiful!..Pero mukhang bata kung kumilos,ni hindi nahiyang kumanta habang naglalakad,..in fairness naman super ganda ng tinig niya,..nakaka in love talaga!..Ooppss!..Watch Out Enrique!...Ano na ba yang sinasabi mo!..ang bata pa niyan oh!.."(kastigo niya sa sarili)

Nagulat sila ng huminto ang dalaga sa harapan nila at ngumiti na halos nakapagpanganga sa kanilang lahat...lalo kasi itong gumaganda kapag nakangiti na..

Devon: Hello...Im kinda lost kasi,i don't Know where To Go to the Architecture Building...Can Anyone guide me there?...(lalo niyang nginitian ang mga lalakeng halos nakanganga sa harapan niya...napahagalpak siya ng tawa dahil sa mga hitsura nito lalo na ang crush niya...

Devon: Hey!...are You Guys With Me?..Stop fantasizing me Will You,...And Please Close Your mouth, I am only 17..Baka makahanggap kayo ng polluted air niyan...

Napatikhim si Enrique dahil sa sinabi ng babae..medyo napahiya sila..napaka prangka pala nito,..contrast sa mala anghel nitong mukha...

James: Yeah i Can guide you there Ms..Let's Go(aya agad nito sa dalaga)

Devon: thank you but My name is Not Ms...I am devon Estevez,..Call me Debbie...

James: Sure,By The Way i am James,it's our pleasure to meet You Debbie...my Friends Here,.Bret,Patrick And Of course Our captain Enrique...(they Said "Hi" To Her in Unison)

Devon: Oh,hi Guys...nice To meet you people...i am freshmen kasi,i don't have friends here,is it okay if sali ako sa grupo niyo?...no worry,i am one of the boys,..i am not maarte like those other girls in the hallway,..walang ibang ginawa kundi ang maglagay ng kolorete sa mukha....Ahahaha

Nahawa rin sila sa tawa ni Devon,lalong tumatagal na tinitigan nila ito ay lalo itong gumaganda sa paningin nila...lihim itong inoobesrbahan ni enrique,..mula sa nangungusap na mata,sa matangos at perpektong hugis ng ilong,ang mamula-mulang mga labi na alam niyang hindi dahil sa lipstick at ang lalong nakaka attract dito ay ang morena nitong kutis...

Devon: Ano?...magtitigan na lang ba tayo dito or grupo na tayo?...

James: Sure,...You're In Debbie..Kaw pa Malakas ka Sa kin eh...at agad inakbayan ang dalaga na binigyan ni devon ng isang matinding siko sa sikmura 

James: Ouch!..what was that for?..!..namumula na ito sa sakit at dinaluhan ng mga kaibigan pero balewala lang ito ni devon...

Devon: Kasi naman ginulat mo ako eh...Hindi niyo kasi alam iba ako kung magulat at magalit,kaya beware mga friends...pero okay na group hug na lang tayo para wala ng ilangan...Sorry Pareng James...Peace na Tayo( at nag thumbs- up sign si devon dito)

Pagkatapos nilang i group hug si devon ay hinatid na nila ito sa architecure building...Habang sa kabilang building ay naroon ang grupo ng mga tinatawag na campus beauties sa eskwelahang iyon na pinanguluhan ni Anne, at mga friends niyang sina Fretzie,Tricia and Kazel...Sila rin ang mga mean girls ng university na iyon...tiklop lahat ang mga girls kapag sila na ang umarangkada pero hindi nila nagustuhan ang isang freshman na nakikipag kaibigan sa mga crushes nila na walang iba kundi sila enrique...kahit nga sila ang tinaguriang campus beauties ay pahirapan pa muna bago mapansin ng grupo nila enrique kaya inis na inis sila sa freshman na iyon...

Anne: How Dare Her!..ang kapal ng face niya para makipag lapit kina enrique..who is she!..

Fretzie: i Think bagong salta yan dito...new face eh...at hindi man lang nagbigay galang sa atin nung dumaan siya sa atin girl..

Kazel: She's pretty thought not as much Like us!


tricia: Eeeewww!..I Don't Want Her Hanging Out with Our Men!...

Anne: that Will never happen tricia,mark my Word!...



Samantala ay halos abot tenga naman ang ngiti ni devon habang nasa  loob ng classroom,she never expected na mapalapit agad sa taong crush niya...(effective pa rin pala ang charm ko,Ehehehe)...habang nag day dreaming ang dalaga ay siya namang pasok ng grupo nila Anne, kahit sophomore ang mga ito ay may isang subject sila na pareho ng kay Devon...Halos umusok ang ilong ni Anne sa inis ng makita ang ngingiti-ngiting dalaga sa may unahan kaya agad niya itong nilapitan...

Anne: Hey You!...How dare you sit on my chair!...Umalis ka dyan!...Negra!(sigaw nito kay devon na hindi alam na siya pala ang sinisigawan ni Anne..Nagulat na lang siya ng bigla siyang hablutin nito sa siko kaya napatayo siya bigla...

Devon: Hey!..Hey!..Watch Your Move Lady!..Are You Calling Me Negra?..(Inis na binalya niya ito kaya siya nabitiwan..hindi makahuma ang mga ibang estudyanteng nandun na may isang tao na kayang makipagsagutan sa tinaguriang campus queen...

Anne: You heard it right Negra!..(pang iinis ni Anne dito,ngising aso naman sina tricia and kazel pero si fretzie ay halos awatin na si Anne sa pambabatos sa Dalaga.Hindi na niya nagustuhan ang mga pinaggagawa ng kayang mga kaibigan..

Fretzie: Please Girl,Lets stop this nah,Look oh,many people are staring at you nah..

Anne: The Hell I Care!..Don't Stop me or Else!...(banta nito na ikinatahimik ni Fretzie..Nagpanting ang tenga ni Devon sa narinig..)

Devon: Whoever you are,I Tell You now!..The Hell I Care With You Woman!...Don't act like you own the world because you don't!..And Don't call me Negra dahil magkaiba ang Negra sa kayumanggi or if hindi naiintindihan ng makitid mong utak,magsabi ka lang at e-explain ko sa'iyo para naman magkalaman ng may sense iyang utak mong kinalawang na dahil sa pangit mong ugali!..(she said it without batting an eyelashes,with matching devilish smile afterwards dahil parang nalunok ni Anne ang dila nito at ni hindi ito nakapagsalita pagkatapos)

           : Ano,Naputol na ba ang dila mo at wala kang comment ngayon?..Next Time,Siguraduhin mo kung sino ang kinakalaban mo,dahil wala akong sinasanto,kapag ako napikon sa iyo,matakot ka na!..by the way dito ako uupo dahil nauna ako sa iyo at wala itong pangalan so libre itong upuan kahit na sino!..Gets Mo?!..

Nang mahimasmasan si Anne at napagtantong napahiya siya ng todo ay bigla siyang nag walk out..sumunod ang kanyang mga alipores pero nanatili si Fretzie sa loob at nakatayo sa harapan ni Devon..

Devon: i know you are not like them kaya kung gusto mo akong mgaing kaibigan,Welcome ka sa akin...(nakahinga ng maluwag si fretzie ng ngitian siya ng dalaga .agad siyang naupo sa tabi nito)

Fretzie: thank you,kahit ang tapang mo,mabait ka pala,pasensya ka na sa mga kaibigan ko ha,ganun talaga ang mga iyon,..Ako nga pala si Fretzie Asuncion,Ikaw?

Devon: Okay lang hindi ang tipo ng mga kaibigan mo ang tatakot sa akin,hindi nila ako kilala kaya huwag nila akong subukan..nice meeting you fretzie,devon's here...(at nagkamay ang dalawa at pagkatapos ay nagkatawanan ng halos lahat ng clasmeyt nila ang gustong makipagkilala at makipagkaibigan ni Devon dahil alam nila kapag naging kaibigan nila ay malayo na sila sa pambabastos ng grupo nila Anne...


Oras ng uwian at sabay na lumabas sina Fretzie at Devon kasama ang mga bago nila kaibigan ng harangin sila ng grupo nila Anne...Nanlilisik ang mga mata nito sa galit at hinarap si Fretzie..

Anne: What is the meaning of this Fretzie?!...Kaya mo na ba talaga kaming iwan sa ere dahil lang sa walang modong babae na yan?!..(at dinuro-duro nito si Fretzie pero sinalag ito ni devon na ikinagulat ng lahat)

Devon: I Told you a while ago,don't you dare act like you own everything!..and you call me walang modo?..Well,Well,Well mabuti pa manalamin ka muna at suriin mong mabuti ang sarili kung ako ba ang walang modo o ikaw!..(pang aasar pa ni devon na lalong ikinapula ng mukha nito sa galit,halos mag freak out na ito sa galit)

Anne: walang hiya ka!wala kang karapatang bastusin ako dahil hindi mo ako kilala,kami ang may ari ng university na ito,isusumbong kita sa daddy at bukas na bukas din ipapa expel kita dito!..(halos magtitili na ito sa sobrang galit na nakatawag pansin sa grupo nila Enrique na sadyang nag aabang sa paglabas ni Devon...

Patrick: what's that commotion over there?

James: Yeah i think galing sa room nila devon?

Enrique: let's go and find out guys!..(dali dali silang pumunta sa may maraming tao upang makita nila si Anne na pilit binabalya ang kamay na mahigpit na humahawak dito at laking gulat nila ng si devon ang nakita nilang humawak kay Anne...

Devon: are You threatening me Ms.University owner?..Ahahaha,Come on!wala akong ginagawang masama sa iyo,marami akong witness dito at alam ko sa puso nila panahon na para putulin iyang sungay mo!...hindi ako takot ma expel dito and i doubt kung kaya ng daddy mo na patalsikin ang anak ng major sponsor niyo dito...Devon Estevez,Remember my Name!( at tuluyan ng binitiwan ang namumulang mga kamay ni Anne dahil sa pagkakahigpit ng hawak niya dito at hinawakan si fretzie at taas noong naglakad papunta sa may labasan ng makita niya sina enrique sa unahan na maang na nakatitig sa kanya..may paghanga siyang nakita sa mga mata nito pero saglit lang iyon,pag alala ang humalili doon pero nakangiti siyang lumapit sa mga ito akay-akay si fretzie habang rinig na rinig pa niya ang tungayaw ni Anne at ang pag walk out nito..

James: Are You Okay Debbie?...Bakit inaaway ka nila Anne and why you bring her friend with you?..(nagtatakang tanong nito habang nakatingin kay fretzie na napayuko)

Devon: hi My Dear Handsome friends!...I am very very much okay,mukha ba akong hindi?..Sana ang tinanong mo James ay iyong Anne Na iyon,Para kasi iyong baliw kung makapag freak out..Ahahaha..By the Way this is Fretzie Guys

Enrique: We know her,their Group kaya We don't understand why kasama mo siya eh kaibigan siya nila Anne?

DEvon: I know but She is very much different from those crazy girls and they were very mean to her kaya I saved her and she is the girl friend that i always wish to have...

Bret: Why?..Wala ka bang naging girl friends noon?..

Devon: I don't have one not because i Am mataray but because i went to home study program before,now lang ako pinayagan na pumasok sa totoong university kaya now you know i need friends to assist me...

Fretzie: I Am sorry guys,i know hindi niyo gusto ang mga pambabastos Ni Anne sa mga taong akala niya ay kaya niyang apakan pero she found her match,sa katauhan ni Devon...Sana you find it in your heart to give me a chance to be part of your group?..

Matagal bago nakapagdesisyon sila Enrique kaya kinumbinsi ito ni Devon..

Devon: Guys,Let us give her a chance,Everyone deserves it pero Anne is an exemption...

Bret: No Problem With Me,I Love To Hang out with you Fretzie,..By The My Name is Bret

Patrick : Asus!...Style mo Bulok dude!..I know more than friendship ang gusto mo...look at yourself,para kang teenager na na meet finally ang kanyang crush..Ehehe...( pambubuking ni Patrick sa binata na ikinapula ng mukha nito at ni Fretzie na lalong naging sentro ng kanilang asaran..

James: Oooppss!..I feel Like A Love Team in our group ay mabubuo soon...(saad nito sabay kindat kay bret na akma namang babatukan si James dahil sa sinabi nito..

Enrique: Tama na iyan guys at Uwian time na...Ihatid na natin ang mga girls sa kanila...(suhestyon nito at agad na inakbayan si Devon habang nakangiti dito...Halos hindi naman humihinga si Devon sa ginawang pag akbay ni Enrique dito dahil sa sobrang kilig na naramdaman pero ayaw niyang mahalata ng binata na crush niya ito at baka lumayo pa ito sa kanya...

Devon: eh I have my own car so no need to make hatid on me guys...(at ipinakita ang kanyang susi with matching smirked)

Enrique: Huh?!..You are only 17 and not allowed to drive Debbie!(gulat ito)

James: Yeah,Bakit ka ba pinayagan ng mga parents mo na mag drive eh kung may mangyari sa iyo?

Devon: Wala naman sila dito eh,Yaya ko lang kasama ko mula bata pa ako,i guess mas importante sa kanila ang pera keysa sa akin at tanggap ko na iyon..(balewalang sabi ng dalaga sa mga ito).... and besides i will be turning 18 three months from now so it's still the same...Sige I will go ahead na,si fretzie na lang ihatid niyo...Bye guys!..see you tomorrow!

Pero bago pa makapasok si Devon sa sariling kotse ay may mga kamay na humawak sa kanya at pilit siyang inilalabas sa kanyang kotse na ikinairita niya...paglingon niya ay si Enrique ang nabungaran niya

Devon: What are You Doing?!..Ayaw mo ba akong pauwiin?...(may inis pero may kasamang kilig ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon...

Enrique: Kaibigan ka na namin at concerned kami sa iyo,You are Like a Sister To me Kaya ayaw kong mag drive ng wala kang matinong lisensya,hintayin mong mag 18 ka na saka ka mag drive uli..( at kinuha nito ang susi sa mga palad niya at sinenyasan siyang pumasok sa may passenger seat pero nakatayo lang siya at hindi sumunod sa utos nito

            : Hey!.Hop in!..We are going to bring we will bring you home,...Ako na ang mag drive for you...(sabi nito at sinabihan sila James na sundan sila,con voy lang..)

Devon: what about your car?..iiwan mo dito?

Enrique: Yeah Sure safe naman dito at saka may guard naman babalikan ko na lang pagkahatid namin sa iyo...Halika na nga,Huwag matigas ulo mo!(napasunod na lang si devon pero deep inside na dis appoint siya dahil kapatid lang turing nito sa kanya pero hindi siya susuko hanggang maturuan niya itong mahalin siya...habang daan ay sobrang tahimik nilang dalawa...nang magtanog si enrique kung saan siya nakatira saka lang siya nagsalita...

Nang dumating na sila sa bahay nila Devon ay Inimbitahan niya ang mga ito na pumasok muna at doon na maghapunan para naman may kasabay siya at pumayag naman ang mga ito...Ora-orada niyang inutusan ang kanilang cook na magluto ng special dinner for her friends..nakilala ng mga ito ang kanyang forever loyal ng Yaya...Pagkatapos ng masaganang hapunan ay nagpaalm na ang mga ito dahil kelangan pang ihatid si Fretzie ng mga ito...

Fretzie: Bye Debbie,Thank You for The Wonderful dinner,Sa uulitin,..ehehehe(biro nito sabay hug at kiss kay devon..Sumunod naman ang mga lalake at nagpaalam na...

Bumalik pa muna Sila Enrique sa university pagkatapos maihatid nila si Fretzie dahil nandun pa ang kanyang sasakyan...

James: So dude,Ako na lang susundo kay Debbie every morning at ikaw ang maghahatid sa kanya during uwian time..

Enrique: okay call ako dyan dude(sagot ni enriqu kahit deep inside gusto niya na siya lang maghahatid at susundo kay debbie pero ayaw niyang mahalata ng mga kaibigan niya na may lihim siyang pagtingin dito dahil very open naman si James na gusto nito si Debbie...















No comments:

Post a Comment